Sunday, October 5, 2008

Alam ninyo ba yung feeling na to be super excited? When all of a sudden you're expecting so so much. Na sana...sana merong mangyari. Na maganda. Na magpapasaya sa 'yo kahit konti. Ganuon ka-exciting.

Ganito kasi yun.

At about 8pm tonight, 8th of October, in-invite ako ni Mitch sa Myspace account nya. Vahket???


Mga 2-3 months ago ko siguro nakilala si Mitch. Sa work. Actually sa train station. Bago pa lang sya nuon. Kaklase nya ata o ka-batch si Robert tsaka si Ruben sa high school nila na mga ka-work ko rin. Mga high-schoolers so yep, korek ka dyan, mga bata pa.

Pero si Mitch kakaiba. Super tangkad kasi nitong batang 'to at may dating. Mahiyain kaya di masyadong nagsasalita. Susunod, di ko rin alam kung anung mga araw sya nagtatrabaho.

Isang araw na lang, nag-hello si Mitch sa akin. Nagulat ako. May dila pala sya at mukhang mabait. Bigla tuloy akong nagka-crush sa kanya.

Meron nanamang araw nagkabanggaan kami sa work. May nasambit ako, parang "Having fun?" Tapos sumagot naman ang bata na, "Wanna swap?" (maypaka-pilyo din pala 'tong batang 'to) Eh sa bar ako nuon. Bata pa sya so hindi pa pwedeng humawak ng alcohol. I had to sway my head no and smile na lang. Sana Mitch...sana.

Pagkabalik ko sa holidays, nagkita uli kami ni Mitch. Ngayon naman medyo angat na sya. Sa Candybr na sya nagwo-work ngayon. Wow! Kinausap ko yung isang kasamahan nya at nasa likod ko sya parang nakikinig lang sa usapan namin. Siguro interesado? Tapos nung araw na yun, nililinis na nya yung popcorn machine. Eh ang tangkad-tangkad, nagulat ako. Kasi nuon, pag ako ang naglilinis ng popcorn machine, kailangan nakatungtong ako sa box. Eh sya, ang tangkad, hindi na kailangan. Napa-joke tuloy ako sa kanya at tumawa naman. Ang cute ng smile nya. Tapos napansin ko sa mga mata nya, parang gusto nya pang magusap. Yung nga lang, kinailangan na kong bumalik sa trabaho. Sayang. Ewan ko lang kung sign yun. Sana. Crush ko kasi sya.

Kahapon. may pasok uli sa Mitch. Umangat na si totoy at nasa box office na sya. Graveh. Bading kasi yung manager namin duon. Minsan namimili ng staff nya. Kaya siguro umangat si Mitch. Eh may outing ang mga barkada ko kahapon at sinubukan kong magbihis. Ang gwapo ko nga eh.haha (kapal) Sinubukan kong magpapansin sa kanya pero di nya ko nakita. Sayang uli.

Ngayon, di ko akalain, may pasok din pala uli sya. Patuloy ang pag-angat ni totoy at nasa Candybr cashiers na sya ngayon. Pag sumilip ka sa bar, kitang kita ko sya. Sinubukan kong magpapansin sa kanya pero wa epek. Pero napansin ko minsan tumitingin din sya sa akin, di lang nagkakasalubong ang mga mata namin. Sayang. Parang gusto naming dalawa pero ayaw ng tadhana.

Napansin ko kay Mitch, very attentive sya sa surroundings nya. Na gusto nya kilalanin ang mga tao bago sya magsalita. Yun din ang report ng kaibigan ko. Kaya nga sinusubukan ko kahit papaano. Pansin ko rin, medyo malungkot ang mga mata nya. Meron kaya syang tinatago???

Ang dami kong beses dumaan sa Candybr kanina. Kahit na anung excuse ginamit ko na para lang may pagkakataong magka-usap kami. Pero sa hapon na at sa huli lang kami medyo nagkatinginan sa mata. Napansin ko nga iniiwasan nya ang mga tingin ko. Either nahihiya o galit. Kasi, ang dami kong pinansin nung araw na yun. Pero sya hindi.

Kaya kanina, galit ako sa sarili ko sa nagawa ko. Kinailangang kong gawan ng paraan.

Kahapon may nahanap ako. Nung nag-sign-out kasi kami, may bagong questionaire na naka hilata sa harap ng computer. Andun hinihingi yung birthdate namin at tsaka e-mail address. Eh sa hapon na inilabas yung papel na yun kaya yung mga pang hapon lang ang nakapirma. Isa na duon si Robert tsaka si Mitch. Ako naman, pasimple, ni-log ko kaagad sa mobile ko yung e-mails nila.

Kagabi, gi-noogle search ko ang pangalan ng mahal ko na si Justin, ang mga crush kong si Robert at Mitch. Tiningnan ko kung meron silang blog or Facebook account or whatever. Yung meron ba kong mahahanap na kuonti kahit papaano sa kanila. Kay Justin talagang wala, si Robert medyo humihinay na ang crush ko sa kanya...at yun sapul, nahanap ko na may MySpace account pala si totoy.

Dahil sa galit ko sa sarili ko kanina, naghanap na ako ng sariling paraan para ma-contact si Mitch.

Kaya yun, ng mga 7 o'clock, naglakas loob na ko at sumulat ako sa account ni Mitch sa MySpace. Nagkunawari ako na nagsi-search ako ng mga tao sa work. Pretend lang at wala naman akong ini-expect na kapalit.

Tapos biglang tumibok ang puso ko.

Sumulat si Mitch, requesting to be my friend. Wowz!!!

Sana ito na. Sana pagpalain na ko ng Diyos, kahit na nilaan ko na ang puso ko kay Justin. Sana, kahit papaano, mahalikan ko si Mitch kahit isang beses lang. (kung hindi nga lang mahiyain 'tong batang ito.)

Ang gusto ko kay Mitch, at ito ang unang una kong napansin sa kanya nung nakilala ko sya, ay kahawig nya ang gwapong modelo na si Mark Dominic from Canada na nag pose for French gay mag Tetu Plage a couple of years ago. Medyo payat nga lang si Mitch, pero siguro magkaka-muscle din one day. Eto ang comparable pics:

Yun nga lang mga sis. Medyo nasawi kaagad ang puso ko. Kasi naman. Eh nung nag-invite kasi si totoy, naka-private yung page nya. Di ko tuloy kaagad na-assess. Nung pumayag na kong maging friends kami, ayun, pwede ko ng basahin yung page nya. Wala naman. Di mahilig mag-sulat at dalawa lang ang pics nya. Yung isa, hiniram lang nya sa kaibigan nya. Pero meron din kahit papaanong info. Like may gf na pala si gunggong at ang pangalan ay Liz. 18 na pala si Mitch at kaka-graduate lang sa Year 12.

Pero bakit ganun. Wala syang sinulat about himself. Parang may mga secrets pa rin? GF nya ba talaga o pressure lang from his friends? Tapos na kaya talaga sya? Nagre-review kaya sya para sa HSC nya? Anu kaya iniisip nya nung in-invite nya ko? Maguusap kaya kami sa work? Sasagutin nya kaya sulat ko?

Sana...may mga sagot ang mga katanungan ko.

No comments: