Monday, April 7, 2008


Graveh. Tsuper asar ako sa sarili ko ngaun as in. Kasi I'm so torpe. with a capital 'T'.

Di ko kasi alam na magka-shift uli kami ni Leo. As in we started at the same time. Pero dun sya sa Candy Bar ngaun at ako naman sa Box Office. Pero di ganun kalayo. Yun nga lang, di ko sya nasisilayan. Siguro pag naglilinis lang sya which is bihira.
Mga moments na nag cross ang mga landas namin:
* Nung pag pasok nya sa shift nya. Nandun na ko sa computer ko sa Box Office at dumaan sya sa likod ko para kunin yung float nya para sa til nya. Di man lang tumingin ang gung-gong. (^.^)/
* Nung nagwawalis sya. I swear, tumingin sya sa akin. Pero baka napatingin lang. Masyado ko namang dinadamdam.
* Nung kausap nya si Simon sa CBar. Bored kasi si Simon at alang ginagawa. Siguro nasa til si Leo at kinausap nya ng saglit. Pero sa Box Office, kitang kita ko silang naguusap.
* Nung break ko. Kinausap ko kasi Adam kung pwede kaming makipag-swap ng shift para sa Sabado. Andun si Leo, malapit lang. Ewan ko kung napansin nyang kausap ko si Adam.
* Nung tapos na sya sa shift nya at dumaan uli sya sa likod ko. Nahiya akong tumingin.
* Nung hinand-in ko na yung float ng til ko kay Ray at Anne sa office. Nakatalikod sya sa akin. Di nya siguro napansin na andun ako kasi kay dami ng tae sa maliit na office. Meron syang ginagawa kaya siguro tsuper busy sya.
* Nung tinanong ako ni Ray kung nagbalance daw yung til ko. Oo naman ako. Kaya lang, ang bruhang Ray ay tinawag ako sa full name ko. Sabunutan ko yung baklitang yun eh. Di ko alam kung nadinig ni Leo ang tunay na pangalan ko. Iba-iba kasi ang tawag sa kin ng mga tao. Di ko tuloy alam kung nalilito na sya.
* Nung pabalik ako sa office galing Candy Bar. Patungo sya sa akin at bigla naman akong ilag na kunwari kakausapin uli si Adam. Shet.
* Dun naman sa Candy Bar. 5 minutes early kasi akong natapos so pinadala ako sa Candy Bar para tumulong maglinis. Winawalis ko yung floor nung lumapit sya banda sa akin, nagdaanan ang landas namin pero di kami nagtinginan. As in TORPEHAN 2 Da Max mga sis. Aray ko po!!!
* Nung pababa na ko sa escalators galing office. Nagtitext kasi ako. Tumingala ako kung napansin nya ko. Medyo ata kaya baba uli ang ulo ko.
Shet. Shet talaga mga sis. Sana merong tutuong tao akong makausap sa problema kong 'to para give to me some advice.
Ewan ko ha. Siguro paranoid lang ako. Pero in my fairyland, feel ko na papansin sa kin si Leo. Lalo na nung nakita nya akong naglilinis nung popcorn sa Candy Bar nila. Wala namang syang dahilan para lumapit sa kinaroroonan ko pero lapit din sya. Tapos walang imik o kibo sa akin, kahit na nagkausap naman kami kahapon. Ewan. Parang pareho kaming nagkakahiyaan sa isa't isa. Ewan kung di lang talaga sya palakibo o takot din sya sa akin. Ano tingin nyo???
Eto pa mga sis. Meron akong kabababalaghang ginawa ngaung gabi. Ganito kasi yun.
Sa office daw, meron isang listahan ng mga pangalan ng lahat ng bawat isang staff sa work namin at ng kanilang mga telepono. Ewan. Para daw kung kailangan namin makipagpalit ng shift, pwede naming tawagan yung mga taong walang pasok nung araw na yun.
Anyways, dinig dinig ko lang yun. Pala mga sis totoo. Pagpasok ko ng office kanina, ayun yung orange at laminated na paper kung saan nga nakasulat ang bawat pangalan namin. E ano naman ang gagawin ng isang katulad ko na may tsuper crush sa isang workmate nya. E di ano pa nga ba??? E di kunin yung number nya davah!!!hahahaha Ang landi landi ko...anuvahyan.
So yun ako kanina sa tren paguwi ko. Tsuper kaundigaga at iniisip maiigi kung saan ako nagkamali. Na asar na asar ako sa sarili ko na wala akong ginagawa. Na pa tsuper taray epek ako sa kanya at di pinapansin kahit na ang lapit lapit na namin sa isa't isa.
Malay natin, baka sya na ang lalaking pinakakahihintay ko. Pero ewan. Sarap suntukin sarili ko. Sana mas magaling ako dito...Shet.

No comments: