Thanks to Kuya Migs at manilagayguy, napansin ko tuloy ang kagwapuhan ni Joem Bascom. Wowz, para syang straight na straight version ni FaFa Piolo. Yan tuloy pantasya kaagad ako sa kanya bago ako matulog.
Sa pantasya ko, simple lang si Joem. Nagmeet kami sa Handymart kung saan sya baguhan na nagtatrabaho sa SM Fairview. Meron kasi akong hinahanap at di ko alam kung nasaan. Eh napansin ko yung uniform nya, kaya sya na yung nilapitan ko.
"Umm excuse me, pwedeng magtanong?"
Parang right out of a movie, habang inaayos nya yung shelf, napatingin sya sa akin ng matagal, tapos biglang nataranta at nagbagsakan lahat ng ginagawa nya. Buti na lang walang nabasag.
Sabi ko kaagad, "Ay sorry, sorry, nagulat 'ata kita?"
"Ha? Ah hindi...ummm...may pumasok lang as isip ko pagkatinging ko sa 'yo?!" sagot ni Joem, katulad ng sabi ng ID nya.
"Sorry talaga, tulungan na kita!" biglang pagtulong ko sa kanya.
"Joem, ano nanaman ba 'to?" biglang dating ng masungit at matabang mukhang intsik nyang bosing.
Sagot kaagad ako, "Ah ano ho boss, ok lang po. Ako po ang may kasalanan. Nagulat ko ho sya eh. Ok lang. Wala namang nabasag eh, tsaka kung meron naman, ako na ang magbabayad. Ok lang dito, promiz."
Di masaya ang itsura ng boss ni Joem at bigla na lang sagot, "Ah ganun ho ba sir. O sige ho." Tingin naman sya kay Joem. "Joem, I'm watching you ha! Bagubaguhan ka pa lang dito at kung anu-ano na ang inaabot mo ha! Magingat ka." Pasaway na umalis si taba.
"Eh, di mo naman dapat na ginawa yun. Baka malagot ka pa kay boss. Eh ako naman ang nakabagsak lahat ng ito." malungkot ang mukha ni Joem.
"Ano ka ba? Eh ako nga ang gumulat sa yo diba." Tinulungan ko sya haggang maayos namin lahat ng bumagsak sa shelf.
"Salamat ha. Saka yung pagsave mo sa kin kay busangot" sabi ni Joem habang tinuturo si taba. Natawa tuloy ako. "Ah sir, ano po ba yung hinahanap nyo?"
Bigla ko nasilayan yung hinahanap kong bilhim. Ayun lang pala, malapit sa kinaroroonan ni Joem. "Ayun, ayun pala. Akala ko di ko mahahanap. Malapit lang pala sa 'yo...Jo-emm?" sinabi ko yung pangalan nya na parang ngayon ko lang nasabi.
"Ha sir? Ano po ba yun?" napalingon din si Joem. "Yung adaptor!" sagot ko naman, lumakad sa shelf kung saan yung ginusto kong bilhin at kinuha. Bumalik na kong papunta sa counter para magbayad pero una, dinaanan ko uli si Joem, "Thank you ha! Nahanap ko na." at kinawayan ko sya paalis.
Pero bago ako nakaalis, may bumagsak uli sa kinaroroonan ni Joem, napaligon akong pabalik at tinuro ko yung bumagsak. Napangiti tuloy si Joem, nagblush at napahiya at tarantang ibinalik yung nahulog. Napasilip uli si taba.
------------------------------------------------------------------------------------------------
Lumipas ang ilang araw at nagbalik ako sa mall para may tingnan. Di naman ako nagtagal at gusto ko lang naman talagang tingnan at magcanvas ng presyo.
Nung papunta na ako ng sakayan pabalik sa bahay, may napansin akong medyo matanda ng ale, na sangkatutak ang dalahin at mukhang hirap na hirap at wala man lang gungong na tumulong sa kanya. Ako na tuloy ang nagalok, "Nay, para naman hong kay bigat-bigat ng mga pinamili ninyo at alang tumutulong sa inyo. Ako na ho!"
"Ay salamat iho, hulog ka ng langit. Pagod na pagod na nga ako at hirap na hirap, eh tapos ayaw pang palabasin nung guard yung shopping trolley para magamit ko." sabi nung matanda.
"Gagong guard yun ah." sagot ko na lang. "Eh nay, san ho bang jeep ang sasakyan ninyo at ilalakad ko na kayo dun?"
"Ah yung lang, yung jeep pasakay papuntang Ampao, ayung lang o." madaling sagot ni Nanay.
"Ay Ampao din ho ba ang punta ninyo? Tamang tama, dun din ang uwi ko. Magkalapit lang ho pala tayo." biglang sabi ko.
"Tingnan mo nga naman. Buti na lang at andito ka iho." Tungo naman ako at tinulungan ng sumakay ang matanda.
Pagdating sa Ampao, "Nay, saan ho ba ang baba ninyo, para matulungan ko na kayo?"
"Ay iho, sana dito na lang sa kanto at sasakay na lang ako ng tricycle."
"Ay nay, wag na ho, save nyo na lang ho yang barya ninyo, ilalakad ko na lang ho kayo. Tutal, di naman ganitong kalaki ang Ampao, at alam ko na rin ang pasikot sikot dito." sagot ko.
"Ay ganun ba anak. Salamat naman sa Diyos at andito ka no. O sige, duon na lang tayo sa kabilang kanto bumaba at tapos nuon eh malapit na. Konting lakad lang."
"Sige ho nay!"
Nung pagbaba namin, nagkausap kami ni Nanay at kung saan sya nakatira. Nalaman ko na yung mga pinamili nya pala ay para sa kaarawan ng bunso nyang anak at maghahanda sya sa Sabado. Di rin kalayuaan ang tinitirahan nila at nagkaalaman na sa kabila lang ako nakatira sa may malaking tindahan din na ari ari namin. Sabi ni Nanay, kilala nya raw yung may mga mayari noon. Natuklasan ko na kilala pala ni Nanay ang lolo ko at pati na rin si Papa at ang mga Tita ko. Kay liit naman ng mundo.
"Pero kung papa mo si Dante, eh bakit di ko makilala ang mukha mo? Eh matagal na ko dito at kilala ko na lubos ang mga taga dito iho?"
"Ah, eh kasi po, di naman po kami talaga nakatira dito. Holiday lang po ako at nagbabakasyon. Dun po ako tumutuloy sa second floor dun sa may tindahan." paliwanag ko.
"Ah ganun ba? Tingnan mo nga naman. Ikaw pala yung sa mga isang anak ni Dante na abroad na lumaki no?"
"Opo."
"Tingnan mo nga naman. Istranhero pa ang tumulong sa akin. Tingnan mo nga namang 'tong mga Pilipino sa atin ngayon no? Ala nang gustong tumulong sa mga matatanda. Buti na lang at andun ka anak."
"Eh nay, ba't naman kasi ho kayong namimili ng kay rami-raming magisa? Eh ang bibigat ho nito para sa inyo?" tanong ko naman.
"Eh kasi anak, yung mga anak ko, nagsiasawa na rin. Ang asawa ko, matagal ng yuamo at ako na lang magisa. Ang kasama ko na lang sa bahay ay yung bunso ko nga. Eh kaso bago lang sya sa trabaho nya at away ko naman abalahin. Baka magkalagot lagot pa sya at ayaw ko nun. Eh ito namang pinamili ko ay para sa kaarawan nya at surpresa ko sa kanya ang handa."
"Ah ganun po pala nay. Buti nga at nakita kita para matulunganno."
"Oo anak, para kang guardian angel." at sabay kaming hulakhak.
Nung nakarating kami sa bahay ni nanay, tinulungan ko na rin syang maglipit ng mga bilihin at ininom ang inalok nyang tubig. Habang umiinom ako, pinapansin ko lang ang itsura ng bahay at pati na rin ang mga pictures na nakatambay sa taas ng TV. Dun ko napansin ang picture ni nanay at ni..."Joem?"
"Ha? Kilala mo ba ang anak ko? Magkaibigan ba kayo ni bunso?"
"Nay? Anak nyo ho si Joem?" tanong kong pagulat.
"Abay oo, sya yung kinukwento ko sa iyo na bunso kong magbibertdey sa Sabado. Tingnan mo naman no."
"Ummmm...actually, hindi ko po kilala si Joem. Pero nagpunta po ako sa Handymart nung isang araw para bumili ng gamit. Eh sya po yung natanongan ko pero meron nang yari kaya nataranta sya. (sabay tawa ko) Tapos yung lang po. Eh nabasa ko po yung ID nya kaya naalala ko yung pangalan nya."
Sa gulat ko, bigla na lang naramdaman ang haplos ng kamay ni Nanay sa buhok ko. At maalumanay nyang sinagot ako, "Ikaw nga. Ikaw nga yung kinukwento nya sa akin nung isang gabi. Enrico."
"Ho? Enrico?" tanong ko.
"Tama sya. May pagkahawig ka nga kay Enrico, pero mas gwapo at mas maputi ka kay Enrico. Pero kahawig mo sya."
"Sino ho si Enrico nay?"
"Si Enrico ang nakakabatang matalik na kaibigan ni Joem. Yung dalawang yun. Halos di mo na mapagkahiwalay nung bata sila. Palaging magkasama mula araw hangga't gabi. Nakakatawa silang dalawang makita. Pero nung lumaki na sila, may nangyari kay Enrico at nalulon sa droga. Hindi sya maintindihan ni Joem pero sinubukan nyang maging mabuting kaibigan kahit papaano. Isang gabi na lang, maraming nainom si Enrico at naaksidente sa kotse at namatay. (haplos pa rin ang kamay ni nanay sa buhok ko) Di matanggap ni Joem yun at matagal din syang nagluksa para kay Enrico. Para ngang masisiraan ng ulo. Pero, isang araw, sa awa ng Diyos, para na lang nagising si Joem at sinibukang ituwid ang buhay. Marami na rin syang sinubukang trabaho pero dito sa bago nyang trabaho ang pinakamatagal. Salamat naman..."
"At yun nga, paguwi nya nung bahay nung isang gabi, sa harap ng pagkain, kinuwento ka nya. "Si Enrico nay, nakita ko sya kanina. Pero hindi sya. Kamukhang kamukha nya lang. Nakakagulat at medyo nakakatakot. Pero ang bait bait nya nay. Di ko kilala kung sino sya. Akala ko si Enrico nagbalik na." Kwento nya sa akin. Naaawa naman ako sa anak ko at pinakingan ko nalang sya. Siguro nga, miss na miss na nya rin ang kaibigan nya."
Enrico. Kaya pala nataranta si Joem nung nakita nya ako sa trabaho nya. Siya nga yun, kasi sabi din ni nanay, baguhan lang sya sa trabaho. Ang liit nga naman ng mundo. Pero hindi ako si Enrico.
Pagkatapos ng kwentuhan, tumawag si Tita at hinahanap ako. Nagexcuse na rin ako kay Nanay at nauna na rin. Pero buong araw, di ko maalis ang gwapong mukha ni Joem sa ulo ko. Pati na rin ang kwento ni Nanay.
------------------------------------------------------------------------------------------------
...Ipapagpatuloy.
No comments:
Post a Comment