Wednesday, December 12, 2007

O eto pa ang isang FaFa sa ep 8 ng Kamandag. Si FaFa Agol. (as in Elvis Gutierrez, Kuya ni Richard) Graveh!!! Type. Parang gustong-gusto ko syang lamlamin. Yummo!!! ~aaayyy~ Sa totoo lang mga ateh, mas type ko sya kesa sa kambal. Ewan. Parang ang sarap sarap nya kasi, like pork chops na punong puno ng taba. Gusto ko syang pisilin.



First ko syang nakita sa Emperador Brandy commercial ng mga Gutierrez's. Inisnab ko na yung kambal, sya kaagad ang pinagpantasyahan ko. In my fantasy, kaibigan ko si Raymond (the gay twin brother). Tapos dinala nya ko sa bahause nila para pumasyal kasi may party. Impressed ako sa kayamanan nitong pamilyang 'to. So big. Big one happy gathering ang nagaganap. Agad akong pinakilala ni Ray sa kanyang parents at pamilya. Pero alam ng lahat na walang namamagitan samin ni Ray at talagang matalik lang kaming magkaibigan. Nagkaroon ng chance na ipinakilala na nya 'ko sa kanyang mga kapatid. Una kay Richard (whom I already know kasi medyo close din kami), then Rocky and Ritchie...tapos last si Elvis. Nagblush kaagad ako at medyo kinabahan nung nagshake hands na kami. Nagtaka tuloy si Elvis at medyo natawa naman si Ray kasi alam nyang crush na crush ko ang Kuya nya. Medyo malungkot si Elvis ngayon at umiinom dahil kakabreak-up nya lang sa girlfriend nya. Naglakas loob na tuloy akong lapitan sya at patawanin. Natuwa naman sya at impressed sa akin. Hindi lang yun, pinagsilbihan ko pa sya at kinuha ng pagkain pagnagugutom sya at ng inumin pag sya'y nauuhaw. Salamat naman at naging magkaibigan kami kahit papaano. Alam ko namang straight sya, so kahit ganito, masaya na rin ako.

Ang hindi ko alam, isang araw nagkausap pala sila ni Ray tungkol sa akin. Marami rin silang napagusapan. Bago magtapos ang usapan, naglakas loob na rin nyang tanungin ang kanyang nakakabatang kapatid, "Ray, di ko nga pala naintindihan yung private joke nyo August. Ba't sya nagblush nung nagshake hands kami at parang nanginginig. E ok naman sya nung naguusap na kami later on. Napatawa ka pa. Anu ba yun?" Natawa uli si Ray and he shook his head. Bago iniwan ang Kuya, he patted his older brother's shoulders and readily admitted, "Kuya, malakas ang tama sa 'yo nung best prend ko na yun. Eh crush na crush ka nun from the very start! 'Di mo ba napapansin?" At umalis na si Ray.

Malalim ang isip ni Elvis. Sinusubukan nyang ipagtugma ang mga panahon na napansin nya ang feelings ko sa kanya. Sa paglingon, sa pagtingin at pagtawa sa mga jokes nya kahit di sila katuwa, sa pagsilbi at sa mga favours na kaagad kong tinutupad pag sya ang nagtatanong. "Sure, alam mo namang malakas ka sa akin!" agad kong sagot sa kanya. Natuwa sya kahit papaano at nagsmile na lang sya ng pa-sikreto nung umalis na ang nakakabata nyang kapatid. "May nagkakagusto pa rin pala sa akin? Hmph. Di naman ako kasing gwapo ni Richard? Huh. Paano kaya yun. At tsaka, hahaha, cute din si Aug. Kahit lalaki sya. In fact, kung ako din naging bakla, si Aug lang siguro ang papatulan ko. Kakaiba kasi sya. Ano ba 'to? May nararamdaman na ba ako para sa kanya? Kailangang di malaman 'to ni Ray. Masama na ang dating." madaling inisip ni Elvis. Pero sa isip-isipan nya rin, "Kailangan, magparamdam naman ako. Kawawa naman si Aug. Sayang ang lahat ng pagsasakripisyo nya sa akin."

Ilang linggo na rin ang lumilipas. Napapadalas na ang tawag nya sa akin. Napapadalas din ang bisita ko sa kanila, at sinisigurado nya na andun sya palagi pag andun din ako. Minsan pa nga, pagbusy si Ray, kami ang nagha-hang-out at lumalabas. Palusot nya daw 'to para makalimot ang ex nya. Ang sarap sarap ng feeling. Ganito pala ang umiibig. Pero di ako umaasa.

Hanggang sa isang gabi na lang...

Papauwi na ako nun at medyo nakainom si Ray kaya di na ako maihatid. Sabi ko magko-commute na lang ako pero di pumayag ang 2nd Family ko at gabi na raw. Suggest ni Ray, pahatid na lang ako sa driver at busy din si Richard sa bisita nya. Ayun, nagsuperhero na si Elvis at sya na lang daw. (matagal na ni Elvis gustong gawin 'to pero ayaw nyang pahalata sa pamilya nya)

Biglang lumakas ang ulan habang kami'y patakbo sa maganda nyang kotse. "Kuya Elvis, nakakahiya naman 'to?" sabi ko. "Anu ka ba? Malakas ka sa akin eh." ngiti nya. Ang sarap ng usapan namin sa kotse. Hindi sya nagapurang mag drive dahil masama nga ang panahon at pinagiingatan nya ko. Hindi ko mapigil ang pagkabakla ko sa kanya at minsan natatapik ko sya braso habang nagkakalokohan. Sya rin, di nya namamalayan na minsan napipisil nya ang pisngi ko at napupunta ang kamay nya sa legs ko lalo na pagnakahinto kami sa traffic lights. Nalilibog na ko at minsan napapasama ang tingin ko sa kanya.

Nang pagdating sa bahay, nag-insist pa sya na ihatid ako sa loob. "Wag na Kuya, malakas ang ulan, mababasa ka pa. Salamat na lang talaga sa paghatid. Your tsuper nice. Thank you!" sabi ko. Pero sa loob-loob ko, gustong gusto ko na syang pagsamantalahan. Pity, di sya nakainom. "Ano ka ba, nahatid na kita hanggang dito, eh di lubos-lubusin ko na at hanggang sa pinto na di ba?" ang pilit nya. "Kuya, ginagawa lang yun sa mga girlfriends." Bago ko pa matapos ang sinasabi ko, bigla na lang nyang binuksan ang pinto palabas at takbo sa side ko para din buksan ang pinto ko. (what a gentleman) Yung second polo shirt na lang nya ang ginamint nyang pangtakip sa amin dalawa kahit na basang-basa kaagad 'to sa malubhang ulan. Takbo kaagad kami sa pinto ng aking single apartment.

Para kaming mga basang sisiw at tawa kami ng tawa sa aming itsura. "Hahaha, Kuya naman, sabi na sa iyo eh." "Eh kung kuha mo kaya ako ng towel at pagtimplahan na rin ng kape kesa ginawin tayo dito." pasadyang utos ni Kuya Elvis. Masama ang laman ng isip namin.

Minadali kong buksan ang pinto at pasok kami. Bago ko pa nabuksan ang mga ilaw, bigla na lang nya akong hinila tapos, "Aug...matagal ko ng gusto gawin to." At bigla na lang nagdampi ang mga maiinit naming labi...

O daba mga atesh!!! Bongga...

No comments: