Like Super Crush ko sya talaga ngayon. Ewan. He's NOT like the supposed "Tall, dark and handsome" type, kasi nga maypagkaprobinsya ang looks nya. But to me he's uber gwapo and oozing with appeal. ~ok, maitim na rin, pero moreno beauty sya~ Una kami nagkakilala sa Zaido. Nung hubad na eksena nila ni Fafa Dennis at nakakulong sila. Tapos nung nagcostume change na sila sa pang Pulis Kalawakan outfit nila, mas lalo akong na in-love sa kanya. Ang tambok tambok ng package nya. ~tili~ Ewan. And I heard he's reall humble and sweet daw. ~kilgz~ Sana ma-meet ko sya in person one day.
Tsaka, di lang naman ako ang nakakapansin ng kagwapuhan nya. Marami dyan nagfafantasya din sa bago kong fafa.
-------------------------------------------------------------------
It's almost everyday na nga that I think of him and lately, laman din sya ng mga nightly fantasy ko. ~di naman ganun kabastusin ang mga fantasies ko...daw.hahahaha~
Last night ang fantasy ko, nagwu-work sya sa as a boy dun sa water dispenser shop ng pinsan ko. Katabi yun kasi ng grocery namin sa Pinas. Tapos bumaba ako at tumulong sa Tita ko so nagkahero muna ako habang nagluluto si Tita. Gabi na nun kaya sarado na yung shop ng pinsan ko. Napadaan lang sya para bumili ng yosi.
Aljur: "Tatlong Hope nga!"
Ako naman, "Ay sorry, wala na kaming change eh, pwede candy na lang?"
Aljur: "Ah...ok. ~medyo nanghinayang~" Biglang napatingin sa kin at tumitig.
Ako uli: "...teka, ilang taon ka na ba?
Aljur: "18 po. Bakit?"
Ako: "Parang bata kasi ang istura mo. Eh di dapat binibenta ang mga ganito sa minors diba? Tsaka...masama sa katawan ang sigarilyo."
Aljur: Nagreact. "Ah...Good boy po ako. Eto lang ang bisyo ko pagtinatawag ng katawan."
Ako: "Eh baka gabi-gabi naman yang tawag ng katawan mo. Sayang." Concerned daw.
Aljur: Pauses and looks at me and smiles as in parang gustong mangligaw. "Ummm...bagong kahero ka dito?"
Ako: "Ah hindi, tinutulungan ko lang si Tita. Nagluluto lang kasi eh, so sabi ko ako muna bantay para sa kanya. Ala namang masyadong tao pag ganitong oras eh kaya kaya ko..."
Aljur: Naglakas loob na. "Ah, ako nga pala si Aljur. Dyan ako sa tubigan nagtatrabaho para kay Kuya Rex. Hindi pa kita kasi nakikita dito eh, eh magiisang taon na ko dyan. Taga saan ba kayo?"
Ako: Laughs. "Ah, pinsan ko si Rex. Magkapatid ang mga tatay namin. At si Tita naman, kapatid din ni Papa. Ummm...di kami taga rito eh. Taga Australia kami."
Aljur: Poor boy, medyo nalilito. "Ah, ummmm...Ostralya? Saan yun?"
Ako: Tumawa, pero hindi yung pangasar. "Hahahaha, ang cute mo naman."
Aljur: Natuwa sa sinabi ko at lalong lumakas ang loob. "Pasensya ka na ha."
Ako: "Ok lang yun. Australia, ibang bansa yun. Medyo malayo dito."
Aljur: "Ahhhh...sabi ko na nga ba eh. Kasi iba ang dating mo eh. Parang artista ang dating!"
Ako: Natawa nanaman. "Salamat. Ang cute mo talaga."
Aljur: "Ikaw din naman. Ang pogi mo din."
Ako: Nagblush. "Ako nga pala si August. Nice to meet you." And I put my hand out...
Aljur: "Nice to meet you din." At dun ang unang hawak ng mga kamay namin. Medyo maalakuryente ang dating at natagalan ang paghawak ng aming mga kamay. ~kiligz~ Di rin namin maalis ang mga ngiti sa aming mga labi at titig sa isa't isa.
Ako: "Eh Aljur, saan ka tumutuloy nyan?"
Aljur: "Ah dyan lang banda dun sa kalyeng yun. Nakikitira lang ako sa Tita ko rin. Malayo pa kasi bahay namin eh. Sa Pampanga pa."
Ako: "Huh? Saan yun?"
Pareho kaming natawa.
Aljur: "Malayo din. Punta ka minsan. Maganda dun."
Tungo naman ako as if daldalhin nya ko dun?
Aljur: "Eh August, kelan ka pa dito?"
Ako: "Nung isang gabi lang kami nag arrive dito. Ang init nga eh."
Aljur: "Ay oo, maiinit talaga dito sa Pilipinas. Kawawa ka naman, pinagpapawisan ka nga eh." Biglang kuha si Aljur ng panyo sa kanyang bulsa at pinunasan ako. What a gentleman.
Patay...biglang labas ni Tita galing sa loob.
Tita: "Uy Aljur kamusta? Kakatapos mo lang magtrabaho? Gabi na ah?"
Aljur: "Ay Tita. Magandang gabi po. Hindi po. Lumabas lang ako para bumili ng yosi."
Tita: "Ah ganun ba? Gabi na ah. Baka nagaalala na sayo si mare?"
Aljur: "Oo nga po. Pauwi na rin po ako. Nagkakasarapan lang po kasi ang usapan namin ni August."
Tita: "Ah ganun ba. Mabuti yun at kausapin mo ng kausapin yang pamangkin ko ng Tagalog. Dahil bulol yan!!!" Tawa naman si Tita sabay haplos na parang batok na rin ng buhok ko parang bata.
Ako: "Tita naman..." Tawa uli kami...
Aljur: "Ay Tita, wag po kayong magalala. Ako bahala sa kanya. Kakausapin ko sya ng kakausapin ng Tagalog para sa inyo, hangga't maubos namin ang buong diksyonaryo ng Tagalog.hahahaha"
Tawa naman kaming lahat.
Tita: "Uy promise yan ha!"
Ako: "Uy promise daw...?"
Aljur: "Opo, ako bahala sa kanya. Promise! O sige po Tita, tutuloy na po ako." Habang nakatitig sa kin.
Tita: Tumungo rin. "O sige, ingat sa daan."
Ako naman tumungo lang, nakasmile.
Kumaway sya ng lalaking lalaki ang dating and slowly left. Pero bago sya talagang nakaalis, tumingin uli sa kin at... nagsmile uli. Ako din tuloy, kinilig at napangiti na rin.
At dyan nagsimula ang maganda kong panaginip kagabi...
Kuya Rickey pahiram lang po ng pic. Ang sarap sarap kasi ni Aljur dito kahit na top lang. Sana damihan nyo pa po tsaka salamat po sa mga screen caps ng Zaido at Boys Next Door.
No comments:
Post a Comment