Sunday, December 30, 2007

Ewan ko lang ha. Medyo stunned ako kanina sa Mass. Deadma ako! Graveh.

Ganito yun. Punta kasi ako sa may Ate ko, malayo sa amin. Dun kaming mga kaberks naghangout for the weekend etc and it was so fun! Like TSUPER! Pero naguwian na silang lahat ngayon so decide kami ng Ate kong magsimba na lang. So punta kami sa local simbahan ng Ate ko. Mga 3 times palang ako nakakapunta dun kaya di ko kilala yung mga pare o kaya yung way nilang magcelebrate ng mass. Medyo kasi iba.

Anyways, so nagsimula na yung Pare sa Misa nya. Medyo may accent sya kasi daw sabi ng Ate ko taga-Poland daw sya. Wowz, exotic! Medyo may istura din at may pagkabata. ~yumz~ Nung readings na, minsan napapapunta yung tingin ko sa kanya at kung saan saan. Alam nyo na yun...pagdinakikinig.hahaha Tapos minsan napansin ko nakatingin din sya sa banda namin. Di ko naman pinansin dahil sa likod na likod kami nakaupo. (sino naman titingin duon noh?) So listen pa rin ako (kuno) tapos tingin tingin pa rin. Tapos napatingin uli ako sa cute na Pare. Bigla na lang sa gulat ko, napansin ko nakatitig na sya sa akin. Di ko pinansin dahil baka guni-guni ko lang. Pero just to make sure, tiningnan ko uli sya. HULI!!! Bigla ko na lang napansin na ako na pala ang tinititigan nya tapos eto pah! Bigla nya na lang akong nginitian. ~aaaaayyyyyyyyyy kilig~ Pinagpawisan tuloy ako at namula. Nginitian ko din sya tapos nagbow na lang ako sa hiya. (minsan kasi maypagkatorpe din ako) Sa akin lang kasi, Pare yun, tsaka nasa simbahan kami. Masama diba kung inakit ko sya at ako ang magiging mukhang demonyo. Ayokong magkasala sa Diyos di vah mga kafatid dah bah!!! Mali ba ko???

Pagkatapos ng misa, nung palakad na yung Pare patungo sa labas, di ko sya natingnan sa hiya pero alam kong tiningnan nya ako uli bago sya lumabas.

Eh pagkatapos kasi ng misa dito, yung ibang mga Pare nagiintay at kinakamayan ang mga parishioners. Alam kong naghihintay sya sa labas para makipagshake-hands sa mga tao at batiin ng Happy New Year! Nauna yung Ate ko sa akin at nakita kong kinamayan nya tapos tiningnan sa mata at binati. Pagdating sa kin mga zizters ~ayyyyyy kaasar~ inabot nya yung kamay nya, binati ako pero ayaw nya kong tingnan sa mata na parang bale wala at malamig ang pagbati nya sa akin mga zizters. Deadma graveh!!! Ang sakit. Parang sinampal nya ko dahil di ko sya nginitiang mabuti kanina katulad nya. Yakz. Anu ba yan.

Tama ba ko? Cute pa naman sya. Balikan ko kaya?

No comments: