Thursday, February 14, 2008


Happy Valentines Papa!!!

Kung alam ko lang kung paano kontakin ka...gagawin ko, para masabi ko na sa 'yo ang undying love ko. I love you Dennis.

Tuesday, February 5, 2008

Napanaginipan ko si FaFa Dennis kagabi. Alalang alala ko kasi eto ang first time kong mapanaginipan si FaFa Dennis, so talagang maalala ko diba.

Nagmeet daw kami sa party ng Tito ko. Suot suot nya 'tong orange na shirt na 'to katulad nung last show nya with Bubblegang last Friday. Alalang alala ko yung panaginip kasi nung nakita ko sya, ang tangkad tangkad nya at super payat. Nagulat ako sa tangkad nya kasi sabi nga ng lahat ay di sya ganun katangkad. So I've always imagined na magkataas lang kami o kaya medyo mas matangkad lang sya ng konti. Sa panaginip ko, naiisip ko kaagad, ganyan pala katangkad si Aljur, yung isa ko pang FaFa, kasi pag magkatabi sila sa Zaido, almost magkasingtangkad lang sila divah! Anyway, nagkakilala kami and I shook his hands and I was very excited. Sabi ko sa kanya, "Dennis idol kita!" at kilig na kilig ako.

Ewan ko kung medyo overacting ako o naiirita sya kasi nung nagmeet kami parang di sya natuwa. Na sad tuloy ako.

Anyways, nung middle of the party na, katabi nya yung Tito ko na kumakanta ng karaoke. Tingin lang ako ng tingin pero di nya ako pinapansin. Asar.

Sa panaginip ko andun din si Marky Cielo, pero tawag ko sa kanya ay yung alias nya sa Zaido na Alexis. Pero di kami masyadong nag-usap.

Sayang ang pagkakataon namin ni FaFa Dennis. Pero di ko na ata makakalimutan 'tong panaginip na 'to. I love you Dennis Trillo. Sana...date tau sa Valentines.vuahahahahaha

In fairness...lalong lalo gumagwapo si FaFa Dennis divah lately. Ewan. I think it's his new haircut. And he's maturing more and more handsomely. Everytime I see him lately in his shows, he really takes my breathe away. At napapabulong ako, "Ang gwapo!"